NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad matapos mabangga sa Pagbilao, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang minamaneho ng suspek na kinilalang si Isidro Tadiosa, 68-anyos, residente ng Brgy. Villa San Miguel Wakas sa naturang bayan ang kaniyang pick up nang aksidente nitong mabundol ang biktima.

Nabatid na tatawid sana sa kabilang kalsada ang nasabing menor de edad nang mangyari ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dinala pa sana sa ospital ng suspek ang biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.