Apektado ang mga flight ng Cebu Pacific at Philippine Airlines, kabilang ang mga rutang mula Maynila, Cebu, at Iloilo.
Sa Cebu Pacific, kanselado ang mga biyahe sa Cebu–General Santos–Cebu at Manila–General Santos–Manila noong Hunyo 9 at 10, gayundin ang Iloilo–General Santos–Iloilo noong Hunyo 10.
Para naman sa Philippine Airlines, hindi natuloy ang mga flight sa Manila–General Santos–Manila at Cebu–General Santos–Cebu mula Hunyo 9 hanggang 11.
Ang kanselasyon ay dahil sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani Province noong Hunyo 8, na nagdulot ng pinsala at pansamantalang paghinto ng operasyon sa General Santos Airport.
Tanging mga military, government, at humanitarian flights lamang ang pinayagang lumipad upang mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong lugar.
Pinapayuhan ang mga pasahero na agad makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa rebooking o refund, at mag-monitor ng mga anunsyo mula sa General Santos Airport at Civil Aviation Authority of the Philippines.








