Nasungkit ng Puerto Rico ang korona sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na ginanap sa Puerto Rico noong Martes, Nobyembre 24 (Miyerkoles, Nobyembre 25, oras sa Pilipinas).

Kinoronahan ni Fatima Bosch ng Mexico ang bagong Miss Universe na si Jennifer Barreto, na nagwagi laban sa mahigit 100 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Narito ang limang nanguna sa kompetisyon:

Miss Universe: Puerto Rico – Jennifer Barreto
First runner-up: Melissa Núñez – Dominican Republic
Second runner-up: Clara Vegas – Venezuela
Third runner-up: Bea Millan-Windorski – Pilipinas
Fourth runner-up: Georgia Waddington – New Zealand
Si Barreto ang kauna-unahang magsusuot ng espesyal na korona na nilikha para sa ika-75 anibersaryo ng Miss Universe. Dinisenyo ito ng jewelry designer na si George Wittels sa pakikipagtulungan sa Parisian jewelry house na Maison d’OR.

Advertisement

Gawa sa 18-karat white gold ang korona at pinalamutian ng 3,150 brilliant-cut diamonds. Ayon sa Miss Universe Organization, sumisimbolo ang bagong disenyo sa pagpupugay sa mga kababaihang naging bahagi ng kasaysayan ng patimpalak, gayundin sa patuloy nitong pagbabago sa loob ng 75 taon.

Samantala, nagtapos bilang third runner-up si Bea Millan-Windorski ng Pilipinas, na umaasang maidaragdag ang ikalimang Miss Universe crown sa koleksiyon ng bansa.

Kabilang sa mga naunang Pilipinang nagwagi sa prestihiyosong kompetisyon sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Bago pa man ang coronation night, isa si Bea sa mga itinuturing na malalakas na kandidata ngayong taon. Umani siya ng paghanga mula sa mga tagahanga sa iba’t ibang bansa dahil sa kanyang mga high-fashion na kasuotan na nagtatampok din ng kulturang Pilipino.

Bitbit din ng Filipino-American beauty queen ang karanasan bilang Miss Earth Water 2024, gayundin ang kanyang mga adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan at pagtatanggol sa karapatan ng mga migranteng manggagawa.

Mga finalist ng Miss Universe 2026
Top 5

Puerto Rico
Dominican Republic
Venezuela
Pilipinas
New Zealand
Top 12

Chile
Dominican Republic
United States
New Zealand
Cuba
Puerto Rico
Pilipinas
Colombia
Nicaragua
Venezuela
Democratic Republic of the Congo
France
Top 30

New Zealand
Chile
Brazil
India
Netherlands
Turks and Caicos
Peru
Cuba
Serbia
Dominican Republic
Curaçao
United States
Israel
Ecuador
Puerto Rico
Tanzania
Mexico
Guinea
Colombia
Ukraine
Panama
Costa Rica
Uganda
Pilipinas
France
Ethiopia
Belgium
Venezuela
Democratic Republic of the Congo
Nicaragua
Inanunsyo rin bago ang koronasyon na Costa Rica ang magiging host country ng susunod na edisyon ng Miss Universe sa 2027.

Advertisement