BOMBO NAGA- Patay ang isang lalaki matapos magkasalpukan ang isang motorsiklo at truck sa Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jhondred Laganson, 21-anyos, residente ng Barangay Libod 1 sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na papunta ng lungsod ng Naga ang biktima lulan ng kaniyang motorsiklo nang masalpukan ito ng nag-overtake na truck na minamaneho naman ni Nixon Calusin, 49-anyos.

Dahil dito, nagtamo ng malalang sugat sa kaniyang katawan ang biktima na naging rason nang agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.