NAGA CITY- Nilinaw ng manhameinto ng Naga City District Jail na normal pa rin ang sitwasyon sa kanilang pasilidad sa kabila ng problema na nararanasan ng bansa sa COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay JCI Gerardo Berdin, Jail Warden ng Naga City District Jail, sinabi nito na sa ngayon, ayon sa nakarating sa kanilang abiso, kung may makaramdam ng sintomas ng COVID-19 sa mga preso, agad na i-isolate upang hindi na makahawa pa sa ibang mga preso at opisyal.
Ayon kay Berdin, magkakaroon rin sila ng rotation sa mga opisyal na nagbabantay sa pasilidad para maiwasan na hindi malow morale ang mga ito.
Bukod dito, may mga aktibidad rin umano silang ginagawa sa loob ng compound gaya ng iba’t-ibang sports and recreational.
Kaugnay nito, tiniyak ni Berdin na mahigpit ang kanilang isinasagawang pagbabantay upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng COVID-19 sa loob ng pasilidad.