NAGA CITY-Tinatayang aabot sa P10,000 ang halaga ng shabu na nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang drug suspect sa isinagawang buy bust operation sa Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Vic Mercado, 26-anyos at Christopher Samson, 43-anyos, kapwa residente ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo RadyO Naga kay PLt Mark Spaña Deputy Chief of Police ng Calabanga Municipal Police Station, sinabi nito na gamit ang P500 bill komo buy buts bust money, nakabili ang nagpanggap na poseur buyer sa mga suspek ng isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaag shabu.

Aniya, maliban naman sa mga buy bust item, nakumpiska pa sa mga suspek sa isinagawang body search ang 15 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Ayon ksy Spaña, tinataya namang nagkakahalaga ng P10,000 ang nasabing iligal na droga.

Samatala, dagdag pa ni Spaña na dati na ring nasangkot sa iligal na droga ang dalawa.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.