NAGA CTY- Kumpiskado ang mahigit P300,000 ng hinihinalang shabu mula sa isang suspek matapos ang isinagawang buy bust operation sa Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Rodrigo Hoyohoy, 28-anyos, residente ng Greenhills Phase 2, Barangay Marketview, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakabili ang umaktong poseur buyer sa suspek ng isang pakete ng naturang ilegal na droga gamit ang P13,000 bilang buy bust money.

Maliban dio, narekober pa kay Hoyohoy ang limang pakete ng shabu na may gibat na 15 grams at nagkakahalaga naman ng humigit kumulang P306,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad an suspek para sa kaukulang disposisyon.