Inilipat ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang kanilang mga personnel mula sa Iraq patungo sa Italy bilang bahagi ng patuloy na operasyon at seguridad sa rehiyon.
Mula nang magsimula ang giyera sa Iran, ilang beses na inatake ang NATO Mission Iraq. Matatagpuan ang kanilang military base sa Green Zone, Baghdad, malapit sa US Embassy in Baghdad.
Magpapatuloy ang kanilang operasyon sa Naples, kung saan tutulungan nila ang Iraq sa pagtatayo ng sustainable at effective na security institutions.
Pinasalamatan ni General Alexus Grynkewich ang Iraq at mga kaalyado para sa suporta na nagpadali sa paglilipat ng mga NATO personnel.
Advertisement
Advertisement














