Alam ba ninyo mga ka-bombo, isang aso ang nawala sa Las Vegas noong 2016 at makaraan ang halos 9 na taon ito ay natagpuan sa animal shelter sa Utah.
Ayon sa St. George Police Department ang nasabing aso ay una nang naireport na nawawala o ninakaw taong 2016 at mula noon ay wala nang nakapagturo kung nasaan hanggang sa muli itong makita sa St. George Animal Shelter.
Batay sa ulat, ang naturang aso ay nagpagala-gala at napunta sa iba’t ibang bahay matapos na mawala.
Sa loob ng nasa 8 taon ang aso ay napunta sa pangangalaga ng isang pamilya sa St. George na itinuring na ito bilang kapamilya.
Ang orihinal naman na may-ari sa aso ay nagmula sa St. George .
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng mga otoridad sa lugar ang mga pet owners na magkaroon ng pets microchipped at palagiang i-scanned sa mga veterinarian o animal shelter ang kanilang mga alagang hayop.