NAGA CITY – Patay ang isang negosyante matapos magpatiwakal sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Marcelino Abdon, 57-anyos residente ng Brgy. San Andres, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nagkaroon umano ng mainit na diskusyon ang biktima sa kaniyang asawa na kinilalang si Gemma De Chavez Abdon na nagresulta sa pagbaril ni Marcelino sa kaniyang sarili na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na narekober pa sa pinangyarihan ng insidente ang Caliber 380 IIA pistol at mga bala ng baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay ng nasabing insidente.