NAGA CITY- Malaking tulong umano para sa mga senior citize kung sakaling maaprubahan ang panukalang P1,000 na dagdag sa monthly social pension ng mga indigent senior citizen.

Sa panayam ng Bombo Rdayo Naga kay Josepina Millare, isang senior citizen, sinabi nito na ang nakukuha nilang P1,500.00 na pension kada tatlong buwan sapat lang sa kanilang pangangailanagan.

Ayon pa kay Millare na ang kasalukuyang pera mula sa naturang pension pinagkakasya na lamang upang maitawid ang pang araw-araw na buhay lalo pa ngayon na patuloy ang pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin.

Samantala, mababatid na pinayagan na nang Senado ang nasabing panukala at sa ngayon hinihintay na lang ang pag abruba ng Chief Executive.