Photo © web

Ipinagpaliban ng Senate Blue Ribbon Committee ang nakatakdang pagdinig sa Abril 14 kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects, habang hinihintay ang sinumpaang salaysay ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at karagdagang pirma para sa partial committee report.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chair ng komite, kinakailangang matanggap muna ang affidavit ni Singson kasama ang mga kaugnay na dokumento bago ituloy ang pagdinig. Dagdag pa niya, maaaring ipagpatuloy ang hearing kung makapagsusumite kahit draft affidavit si Singson at kung makakakuha ng lima pang lagda ang partial committee report upang maiharap ito sa plenaryo.

Sa kasalukuyan, apat pa lamang ang lumagda sa ulat, kulang sa siyam na kinakailangan para sa mayorya. Sinabi rin ni Lacson na hindi tumugon si Singson sa mga naunang paanyaya at palugit na ibinigay ng komite.

Samantala, pinag-aaralan din ng senador ang pagsusumite ng Chairman’s Report sa Office of the Ombudsman, kasama ang mga ebidensya at dokumentong nakalap mula sa pitong naunang pagdinig, para sa posibleng imbestigasyon.

Advertisement
Advertisement