NAGA CITY- Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya Samson kaugnay ng brutal na pagpatay sa 12-anyos na dalagita sa Nabua, Camarines Sur.

Mababatid na unang naireport na mawawala ang menor de edad noong Agosto 8 ngunit isang naagnas na bangkay na nang madiskubre ng mga awtoridad sa madamong bahagi sa tabi ng kalsada sa Zone 6, Barangay Bustrac sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Hilaria Luzon, lola ng biktima, umaasa ito na matutulungan sila ng mga awtoridad na makuha ng hustisya kaugnay ng hindi makataong sinapit ng kaniyang apo.

Mababatid na kahapon nang mamatay ang isa sa mga suspek sa krimen na kinilalang si Ricky Ebonite matapos manlaban habang pinapasuko ito ng mga awtoridad.

Sa likod nito, naniniwala naman ang pamilya Samson na hindi lamang iisa ang suspek na sangkot sa krimen.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.