Nagbahagi si Sen. Kiko Pangilinan ng mga larawan kasama sina dating vice president at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo, Sen. Bam Aquino, at Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” Magalong sa ginanap na 10th ClickConEx: Convergence of Luzon ICT Champions and Exhibitions Leadership Dialogue sa Naga City.

Sa kanyang pagdalo sa nasabing pagtitipon, binigyang-diin ni Pangilinan ang mahalagang papel ng information and communications technology (ICT) at innovation sa paghahanda ng bansa laban sa mga hamon at sakunang maaaring kaharapin ng mga mamamayan.

Ayon sa senador, malaki ang maitutulong ng makabagong teknolohiya upang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko, mapabilis ang pagtugon sa mga emerhensiya, at mapalakas ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagharap sa iba’t ibang krisis.

Aniya, sa pamamagitan ng ICT at patuloy na inobasyon, mas magiging posible ang pagbuo ng isang Pilipinas na mas handa sa climate shocks, kalamidad, at iba pang hindi inaasahang insidente na maaaring makaapekto sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.

Advertisement

Ang ClickConEx ay isang pagtitipon na naglalayong pagsama-samahin ang mga lider, eksperto, at stakeholder sa larangan ng teknolohiya upang talakayin ang mga makabagong solusyon at estratehiya para sa digital transformation at kaunlaran ng mga komunidad sa bansa.

Advertisement