Patuloy ang nararanasang pagyanig sa Mindanao kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa karagatang malapit sa Sarangani noong Hunyo 8, 2026.
Batay sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS nitong hapon, umabot na sa 7,435 ang kabuuang bilang ng mga aftershock na naitala mula nang mangyari ang lindol.
Sa naturang bilang, 1,758 ang naitala at na-plot ng mga instrumento, habang 84 naman ang aktuwal na naramdaman ng publiko.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lakas ng mga aftershock ay nasa pagitan ng magnitude 1.2 hanggang 6.4.
Dahil dito, patuloy na pinaaalalahanan ang mga residente sa Visayas at Mindanao na manatiling alerto at maging handa sa mga posibleng susunod pang pagyanig. Hinihikayat din silang sundin ang mga abiso at paalala ng lokal na pamahalaan at PHIVOLCS upang matiyak ang kanilang kaligtasan.














