Ibinunyag ng Presidential Communications Office (PCO) ang umano’y bigla at koordinadong pagdami ng disinformation sa social media na tumatarget sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kasalukuyan na nilang tinutunton at pinag-iipunan ng ebidensya para sa posibleng pagsasampa ng kaso.

Ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez, nadadamay na rin umano ang ilang tradisyunal na media sa pagkalat ng maling impormasyon na iniuugnay sa mga troll. Iginiit niya na malinaw ang motibo ng mga nasa likod nito—ang manggulo at pahinain ang gobyerno.

Sinabi rin ni Gomez na patuloy na dino-dokumento ng PCO ang pinagmulan ng mga post at komento upang magsampa ng kaukulang kaso sa mga susunod na araw.

Sa kabila nito, tiniyak ng PCO na nananatiling nakatuon ang Pangulo sa pagtugon sa umiiral na energy emergency at sa pagbibigay ng konkretong tulong sa mga Pilipino. “The President will not be distracted… remains laser-focused on solving our energy emergency and delivering real, tangible help,” ani Gomez.

Advertisement
Advertisement