Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ng minor phreatomagmatic eruptions sa Main Crater ng Bulkang Taal ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang mga pagsabog mula alas-7:13 hanggang alas-7:17 ng umaga at tumagal ng ilang minuto.

Nagbuga ang Bulkang Taal ng makapal na plume na umabot sa tinatayang 450 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan bago ito inanod ng hangin.

Patuloy namang binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng bulkan at ang anumang posibleng pagbabago sa kondisyon nito.

Advertisement

Pinapayuhan ang mga residente at publiko na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng PHIVOLCS at ng mga lokal na pamahalaan, lalo na ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone o PDZ dahil sa posibilidad ng mga biglaang pagsabog at iba pang volcanic hazards.

Advertisement