Photo©web

Mas pinalalakas ng Philippine National Police ang koordinasyon nito sa mga lokal na pamahalaan at komunidad upang mapabilis ang pagsugpo sa iligal na smuggling ng sigarilyo sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga sibilyan bilang katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan, lalo na sa pagtukoy at pag-uulat ng mga ilegal na gawain sa kanilang lugar.

Layunin ng pinaigting na kampanya na matunton at mahuli ang mga malalaking distributor ng smuggled cigarettes upang tuluyang mabuwag ang kanilang network sa loob ng bansa.

Hinimok din ng PNP ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad, kabilang na ang mga posibleng bodega o imbakan ng mga puslit na produkto.

Advertisement

Tiniyak naman ni Nartatez na mananatiling nakaalerto ang kapulisan sa laban kontra smuggling at gagawin ang lahat upang mapanagot at maaresto ang mga indibidwal na sangkot sa ilegal na operasyon.

Advertisement