Pinuri ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mapayapa at maayos na isinagawang White Ribbon Rally sa EDSA White Plains, kung saan pangunahing panawagan ng mga kalahok ang “Managot ang Lahat ng Sangkot.”

Ayon kay Nartatez, ipinakita ng naturang pagtitipon na mas tumitibay ang demokrasya kapag malayang naipapahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin habang nananatili ang kapayapaan at kaayusan.

Binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng pagpapanatili ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mga alagad ng batas at publiko upang matiyak ang seguridad sa mga ganitong uri ng pagtitipon.

Nagpasalamat din ang PNP sa mga dumalo sa rally dahil sa kanilang disiplinado at mapayapang pakikilahok, na nagbigay-daan upang maisagawa ang aktibidad nang walang anumang malaking insidente.

Advertisement

Patuloy namang iginiit ng PNP ang kanilang tungkulin na protektahan ang karapatan ng mamamayan sa mapayapang pagpapahayag habang pinangangalagaan ang pampublikong kaligtasan.

Advertisement