Photo © web

Tumanggi ang Philippine National Police o PNP na magbigay ng komento kaugnay sa umano’y hiling ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na manatili sa Camp Crame matapos ang shooting incident sa Senado noong Mayo 13.

Nauna nang ibinunyag ni Senate Acting Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na humiling umano si dela Rosa kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. kung maaari siyang manatili sa isang silid sa loob ng national police headquarters.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, wala muna silang maibibigay na pahayag hinggil sa naturang usapin.

Sa kasalukuyan, itinuturing si dela Rosa bilang wanted ng International Criminal Court o ICC bilang umano’y co-perpetrator sa crimes against humanity kaugnay ng war on drugs noong nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Advertisement

Matatandaang nagsilbi si dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police mula 2016 hanggang 2018.

Advertisement