Ipinahayag ng isang political analyst ang pagka-dismaya sa bigong pagkahuli kay dating Bicol Saro Rep. Zaldy Co at tinawag na ito ay produkto ng maling paggamit ng pamahalaan ng komunikasyon o ‘mishandling of public communications by the Marcos administration’.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst, sinabi niiya na kahit pa man isang dating mambabatas o mataas na opisyal ng gobyerno kung isa itong pugante, mainam lamang na huliin ito. Aniya, mahirap man ito gawin ngunit kinakailangan ng dagdag na efforts mula sa pamahalaan para mahuli si Co.

Ipinahayag niya na hindi awtomatikong mahuhuli si Co sa Czech Republic kahit pa may kaso ito sa Pilipinas. May sinusunod itong tamang legal na proseso na kailangan gawin ng gobyerno ng mabilis at maayos.

Samantala, tinuligsa ni Yusingco ang pahayg ng Malakanyang na wala umanong kasalanan ang Pangulo sa bigong paghuli kay Co. Aniya, trabaho ito ng Pangulo bilang siya ang may chief executive power.

Advertisement

Dagdag niya, inalam at sinigurado muna sana ng pamahalaan ang kalagayan ni Co sa Czech Republic bago isapubliko ang isang balitang hindi kumpleto at walang detalye, na siya ring itinanggi ng Malakanyang.

Bahagi ito ng trabaho ng gobyerno na tiyakin na tama ang mga impormasyon, gayundin ang pag-verify ng Pangulo bago inilabas ang balita.

Aniya, hindi rin malinaw kung ano ba talaga ang nangyari kay Co, na mismong pati ang DOJ ay hindi alam ang kabuoang nangyari. Ang natatanging lead ngayon na sinabi ng pamahalaan ay humingi ng political asylum sa France.

Advertisement