Hinimok ni Pope Leo ang mga mananampalataya na isuko kay Hesukristo ang kanilang buhay upang makalaya sa kasalanan at sa mga bagay na nagiging hadlang sa pagmamahal sa kapwa.

Ayon sa Santo Papa, nananatili ang pagmamahal ni Kristo sa kabila ng mga pagkukulang ng tao, subalit nais Niyang tulungan silang makawala sa mga maling gawain at mamuhay nang malaya.

Binigyang-diin niya na mahalagang matutong magpatawad, maghilom mula sa mga masasakit na karanasan sa nakaraan, at panagutan ang mga nagawang pagkakamali sa pamamagitan ng pagsisikap na maituwid ang mga ito.

Dagdag pa ni Pope Leo, ang pagkakaroon ng bukas na puso sa pagbabago at pagtitiwala sa paggabay ni Kristo ay makatutulong upang magkaroon ng mas makabuluhan at mapagmahal na pamumuhay.

Advertisement
Advertisement