Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na maaaring tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod ng patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.

Batay sa paunang datos mula sa Mean of Platts Singapore (MOPS), tinatayang maaaring tumaas ang presyo ng diesel ng P1 hanggang P3 kada litro, habang ang gasolina naman ay posibleng madagdagan ng P1 hanggang P2 kada litro.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nagpapakita ang mga unang indikasyon sa global oil trading ng upward pressure sa presyo ng langis, na maaaring magresulta sa panibagong taas-presyo sa mga gasolinahan.

Dagdag pa ng DOE, hinihintay pa nila ang final trading results hanggang ngayong Biyernes bago tuluyang kumpirmahin ang eksaktong adjustment sa presyo ng petrolyo.

Advertisement

Karaniwang inaaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang pagbabago sa presyo tuwing Lunes at ipinatutupad ito sa susunod na araw, Martes.

Advertisement