Posibleng umabot sa mahigit ₱7 kada kilowatt-hour ang mga alok sa kauna-unahang mid-merit natural gas auction sa bansa, habang hiwalay pang sisingilin sa mga konsyumer ang aktuwal na gastos sa gasolina.

Sa panukalang resolusyon ng Energy Regulatory Commission (ERC), nagtakda ito ng magkakaibang maximum price offers depende sa teknolohiya at kung bago o dati nang umiiral ang power plant.

Itinakda sa ₱7.16 kada kWh ang price ceiling para sa mga bagong combined-cycle gas turbine, ₱4.45 para sa open-cycle gas turbine, at ₱6.79 para sa gas reciprocating engines.

Mas mababa naman ang itinakdang presyo para sa mga umiiral nang combined-cycle gas plants sa Luzon, na nasa ₱2.76 kada kWh para sa Lot 1 at ₱2.66 kada kWh para sa Lot 2.

Advertisement

Ayon sa ERC, hindi pa kasama sa mga presyong ito ang gastos sa natural gas dahil hiwalay itong kakalkulahin batay sa aktuwal na halaga at itinakdang benchmark. Samantala, target ng Department of Energy (DOE) na makakuha ng 3,800 megawatts na mid-merit gas capacity upang makatulong na mapanatiling matatag ang suplay ng kuryente sa bansa.

Advertisement