Hinarang ng Republican-led US House of Representatives nitong Martes ang hakbang para ma-impeach si Defense Secretary Pete Hegseth, matapos aprubahan ang mosyon na ipasa sa Judiciary Committee ang walong artikulo ng impeachment.
Nagbabala si US Representative Thomas Massie, pangunahing nagsusulong ng impeachment, na maaaring tuluyan nang mapigilan ng hakbang ang proseso. Layunin niyang makakuha ng suporta mula sa ilang Republican na hindi sang-ayon sa mga polisiya ni Hegseth.
Bago ang botohan, mariing tinutulan ni Hegseth ang impeachment laban sa kanya at iginiit na walang batayan ang naturang hakbang. Ipinagtanggol din niya ang kanyang pamumuno sa Pentagon, na sinuportahan naman ni Pangulong Donald Trump.
Naging bahagi rin ng usapin ang hindi popular na digmaan sa Iran, na naging dahilan ng pag-aalinlangan ng ilang Republican sa mga polisiya ng kalihim.
Kung matutuloy sana ang impeachment, si Hegseth ang kauna-unahang US Defense Secretary na haharap sa ganitong proseso. Huling na-impeach ang isang pinuno ng sandatahang lakas ng Amerika noong 1876, sa panahon ni William Belknap.








