Binuksan ng Qatar ang bahagi ng kanilang airspace upang payagan ang evacuation at cargo flights matapos maapektuhan ng Iranian missile at drone strikes sa gitna ng US-Israeli war sa Iran.

Ayon sa Qatar Civil Aviation Authority, limitado lamang ang pagbubukas ng airspace at sasaklaw lamang sa mga flight para sa passenger evacuation at air cargo, habang ang regular na commercial flights mula at papunta sa Doha ay nananatiling suspended. Pinayuhan ang mga pasahero na may confirmed bookings na sundan ang updates ng kanilang airline bago bumiyah

Inihayag ng Qatar Airways na magsasagawa sila ng repatriation flights sa mga lungsod gaya ng London, Paris, Madrid, Rome, at Frankfurt, na may prayoridad sa stranded passengers na may pamilya, senior citizens, at may agarang medical o compassionate travel needs.

Ang airspace ng Qatar ay nagsara noong Pebrero 28 bilang precautionary measure, matapos ang sunod-sunod na missile at drone attacks mula Iran na umabot na sa 14 ballistic missiles at apat na drones sa isang araw, habang higit sa 2,000 flights ang nakansela sa Hamad International Airport simula nang magsimula ang labanan.

Advertisement

Sa Gulf region, naapektuhan din ang Dubai, Abu Dhabi, at Kuwait airports, kung saan libu-libong flight ang nakansela at ang operasyon ay limitado pa rin, habang airlines tulad ng Emirates at Kuwait Airways ay nag-adjust ng schedule upang makapagdala ng mga pasahero sa ligtas na ruta.

Advertisement