NAGA CITY-Muling binigyan ng warrant of arrest ang isang lalake na naka-detene sa BJMP Iriga City District Jail, Barangay La Purisima, Iriga City.

Kinilala ang suspek na si alyas Kiko, 39-anyos, residente ng Brgy. Sagrada Baao, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Captain Jose Ablan, Deputy Chief of Police ng Baao Municipal Police Station, sinalaysay nito na ang nabanggit na lalake dati nang mayroong kaso na may koneksyon sa ilegal na pagsusugal.

Muli naman itong binigyan ng warrant of arrest dahil naman sa kasong pag-labag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binigyan naman ito ng rekomendasyon na piyansa na 200,000 Pesos na ibinaba at pinirmahan ni Hon. Martessa E. Nuylan-Rodriqueza, Presiding Judge ng RTC 5th Judicial Region Branch 37, Iriga City.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang mga katulad na operasyon ng mga kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan sa probinsya kontra sa kriminalidad.

Top