NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang retired army sa isang bahay kubo sa Brgy. Mangayao, Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Visaya 52-anyos, residente ng naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang katawan ni Visaya sa loob ng kaniyang bahay-kubo na wala nang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dati nang may sakit sa puso ang biktima na posibleng naging dahilang ng pagkamatay nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.