Nagsagawa ng kauna-unahang diplomatic talks ang Lebanon at Israel sa loob ng mahigit tatlong dekada, bilang hakbang upang tuluyang matuldukan ang umiiral na kaguluhan sa rehiyon.
Isinagawa ang pag-uusap sa Washington D.C. at pinangunahan ni US Secretary of State Marco Rubio bilang mediator sa pagitan ng dalawang panig.
Ayon kay Rubio, nagkasundo ang Lebanon at Israel na maglunsad ng pormal na negosasyon upang tugunan ang umiiral na tensyon at karahasan.
Kabilang sa mga isinusulong ng Israel ang tuluyang pag-disarm ng mga non-state armed groups tulad ng Hezbollah.
Samantala, nanawagan naman ang Lebanon ng agarang ceasefire bilang tugon sa lumalalang humanitarian crisis dulot ng patuloy na labanan.
Huling nagsagawa ng high-level talks ang dalawang bansa noong 1993, kaya itinuturing na mahalagang hakbang ang kasalukuyang negosasyon para sa posibleng pangmatagalang kapayapaan.
Batay sa ulat, mahigit 2,000 katao na ang nasawi sa isinagawang military operations ng Israel mula pa noong Marso 2, na lalong nagpalala sa sitwasyon sa rehiyon.














