Nagkaroon ng kakaibang “maleta reveal” si Terry Ridon matapos siyang idawit ng 18 retiradong Marines sa alegasyong tumanggap umano siya ng maletang may lamang pera.

Sa ginanap na Saturday News Forum, personal na nagdala si Ridon ng isang maleta upang pasinungalingan ang mga paratang laban sa kanya. Sa harap ng media at mga dumalo sa forum, binuksan niya ang maleta at ipinakita ang laman nito.

Sa halip na pera, tumambad sa publiko ang mga mangga at isang peluka na nasa loob ng maleta. Ayon kay Ridon, layunin ng naturang hakbang na ipakita na wala umanong katotohanan ang mga alegasyong ibinabato sa kanya ng mga retiradong Marines.

Nauna nang sinabi ng grupo ng mga retiradong sundalo na may maletang naglalaman ng pera na umano’y iniabot kay Ridon. Mariin naman itong itinanggi ng mambabatas at iginiit na walang basehan ang naturang mga pahayag.

Advertisement
Advertisement