photo © web

Inaasahan ang kauna-unahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo mula nang sumiklab ang tensyon sa Gitnang Silangan noong huling bahagi ng Pebrero, batay sa huling galaw ng pandaigdigang oil trading.

Ayon sa industry source na tumutukoy sa April 6 hanggang 10, 2026 Mean of Platts Singapore (MOPS) trading at foreign exchange averages, posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng ₱8.80 hanggang ₱10.80 kada litro, habang ang gasolina ay maaaring manatili hanggang sa may bahagyang rollback na ₱1.50 kada litro.

Ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang pinal na price adjustment tuwing Lunes at magiging epektibo sa susunod na araw.

Nauna rito, noong Abril 7, nagtaas ng presyo ang mga oil firms: ₱6.00 sa gasolina, ₱19.80 sa diesel, at ₱9.10 sa kerosene—ang isa sa pinakamalalaking taas-presyo ngayong taon.

Advertisement

Dahil dito, umabot na sa 14 ang galaw ng presyo ng petrolyo ngayong 2026, na nagresulta sa netong pagtaas na ₱54.20 sa gasolina at ₱109.85 sa diesel.

Ayon sa mga ulat, ang inaasahang rollback ay kaugnay ng pansamantalang ceasefire sa pagitan ng United States at Iran, na nagpaluwag sa presyon sa pandaigdigang suplay ng langis.

Advertisement