NAGA CITY- Isinagawa ng Revitalize Pulis sa Barangay Team 1 Naga City Mobile Force Company ang libreng theoretical driving course katuwang ang Land Transportation Office sa San Felipe Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl Jacko Lagumen Spokesperson ng RPSB Team 1, sinabi nito na layunin nang nasabing aktibidad na mabigyan ng libreng theoretical driving course ang higit sa 150 residente ng Barangay San Felipe at kalapit na lugar na gustong magkaroon nang student drivers permit na hindi kinakailangang pumunta pa sa mismong opisina ng LTO.

Dagdag pa ng opisyal ang nasabing aktibidad ang isa lamang sa iba pang isinasagawa at ino-organisa nang kanilang grupo bilang katuwang ng Barangay sa mga ipinapaabot na programa sa mga residente ng komunidad.

Sa ibang banda, nagpasalamat naman ang LTO-Naga sa naging kolaborasyon nang kanilang grupo sa RPSB Team 1.

Advertisement

Ayon kay Thaddeus Oliva kan LTO-Naga malaking tulong sa kanila na mapalapit sa mga kumunidad ang mga road safety seminar at one stop shop na magbibigay ng student permit dahil isa sa adbokasiya nang kanilang opisina sa road safety na mabawasan ang aksidente sa kalsada sa pamamagitan ng mas tamang pagbibigay impormasyon sa mga nagmamaneho at gumagamit ng kanilang sasakyan sa daan.

Dagdag pa ni Oliva makakatulong din ang isinagawang aktibidad upang maiwasan na makalapit pa sa mga fixer ang mga gustong mag-apply para sa drivers license.

Samantala, hinikayat naman ng opisyal ang iba pang mga grupo at Barangay na gusto ring dalhin ang ganitong aktibidad sa kanilang lugar na sumulat lamang sa kanilang opisina at ipaabot ang kagustuhan na makapag avail ng libreng theoretical driving course para sa kanilang komunidad.

Advertisement