BOMBO NAGA- Patay ang isang salesman matapos pagbabarilin sa Longanisa Drive Leveriza Subdivision Brgy. Isabang, Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Jester Ilao, 32-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang umiinom ang biktima sa inuupahan nitong bahay nang pagbabarilin ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan ang biktima.

Naitakbo pa sana ito sa pagamutan ngunit ideniklara nang dead-on-arrival ng mga doktor.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang pitong cartridges at tatlong deformed slug ng caliber.45 pistol.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.