NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang sanggol sa tabi ng Ibiya River sa Brgy Camaysa, Tayabas City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang dumadaan sa nasabing ilog si Marcelino Cocadiz nang makita nito ang isang back pack na nasa tabi ng ilog alagad nang buksan nito ang bag, tumambad dito ang katawan ng isang patay na sanggol.

Agad naman itong ipinaalam ni Cocadiz sa mga awtoridad na agad namang nirespondehan ng mga awtoridad.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente at para na rin sa posibleng pagkakakilalanlan ng ina na nag-abandona sa nasabing sanggol.