Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na ang sasakyang sinakyan ni Senador Ronald dela Rosa sa pag-alis sa Senado matapos ang insidente ng pamamaril noong Mayo 13, 2026 ay nakarehistro kay Senador Robin Padilla.

Sa isang pulong balitaan sa Palasyo, ipinakita ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang video footage ng isang puting Toyota Fortuner na lumabas sa Senado bandang alas-2:30 ng madaling araw noong Mayo 14.

Ayon sa PNP, batay sa records inquiry, nakapangalan kay Padilla ang naturang sasakyan, bagama’t hindi pa inilalabas sa publiko ang kabuuang video na umano’y nagpapakita kay dela Rosa na sakay nito.

Kinumpirma rin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na pagmamay-ari ni Padilla ang sasakyang nakita sa footage at sinabing, “That is them getting away,” habang ipinapakita ang video ng paglabas ng sasakyan mula sa Senado.

Advertisement

Nauna nang inamin ni Padilla na kanya ang sasakyan ngunit tumanggi siyang kumpirmahin kung si dela Rosa ang kanyang naging pasahero at sinabing hihintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon.

Ayon sa ulat, muling nagpakita si dela Rosa sa Senado noong Mayo 11 at kalaunan ay inilagay sa protective custody ng Senado matapos makontrol ng kanyang mga kaalyado ang liderato ng institusyon.

Ang insidente ay kaugnay ng imbestigasyon matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) na naglabas ito ng warrant of arrest laban kay dela Rosa kaugnay ng kanyang naging papel sa war on drugs noong siya pa ang hepe ng PNP. International Criminal Court

Advertisement