Kinumpirma ni Senador Raffy Tulfo na wala siyang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028 sa kabila ng mataas na rating sa mga survey na halos tabla kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam, nagpasalamat si Tulfo sa patuloy na tiwala ng publiko ngunit nilinaw na nais niyang ipagpatuloy ang kanyang tungkulin bilang senador.
Ayon sa kanya, ilang ulit na niyang sinabi na wala siyang balak tumakbo sa pagkapangulo sa 2028, at muling iginiit ang posisyong ito sa pinakahuling pahayag.
Sa halip, kinumpirma ng senador na muli siyang sasabak sa re-election sa Senado sa susunod na halalan.
Dagdag pa ni Tulfo, kuntento siya sa kanyang kasalukuyang posisyon at naniniwala siyang mas marami pa siyang magagawa bilang mambabatas kaysa sa paghawak ng mas mataas na posisyon.
Binanggit din niya na mas mabigat ang responsibilidad ng pagiging pangulo, na may kaakibat na mas maraming hamon at “sakit ng ulo,” kaya’t hindi niya ito hangarin sa ngayon.














