Nagtapos ang sesyon ng Senado nitong Lunes nang walang pagbabago sa liderato sa gitna ng mga espekulasyon ng umano’y reorganization sa Mataas na Kapulungan, habang nagkaroon naman ng ilang pagbabago sa committee chairmanships.
Nag-adjourn ang Senado bandang 4:40 ng hapon matapos itong mag-convene bilang impeachment court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte at aprubahan ang ilang pagbabago sa komposisyon ng mga komite.
Sa kabila ng mga usap-usapan ng leadership shake-up, nananatiling buo ang 13-miyembrong majority bloc sa Senado.
Gayunman, nagtalaga ng bagong chairpersons sa ilang komite, kabilang sina Loren Legarda para sa Culture and the Arts at Basic Education, Pia Cayetano para sa Ways and Means at Energy at Sustainable Development Goals, Bong Go para sa Health at Sports, Joel Villanueva para sa Higher, Technical and Vocational Education, at Jinggoy Estrada para sa National Defense and Security at Games and Amusements.
Itinalaga rin sina Robin Padilla bilang chair ng Public Information and Mass Media at Public Services at Cultural Communities and Muslim Affairs, habang si Rodante Marcoleta naman ang chair ng Public Services.
Nauna rito, itinanggi ni Senate President Alan Peter Cayetano ang mga ulat ng posibleng pagbabago sa liderato at iginiit na nananatiling buo ang majority bloc.
Sa parehong araw, tinanggihan ni Senador JV Ejercito ang alok na maging Senate Majority Leader at piniling manatiling independent.
Samantala, sinabi rin ni Juan Miguel Zubiri na sasama siya sa minority bloc na pamumunuan ni dating Senate President Vicente Sotto III.














