NAGA CITY- Sugatan ang isang siklista matapos na masagi ng minamanehong bisikleta ng isang motorsiklo sa Barangay Bayongon, Sampaloc,Quezon.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Escanilla, 48-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na mpormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ni Melwin Oblena, 23-anyos ang kahabaan ng nasabing kalsada nang aksidente nitong masagi ang unahang bahagi ng bisikleta na minaneho ni Escanilla nang lumiko ito pakanan.

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa kaniyang katawan ang bitkima na kaagad namang dinala sa ospital para malapatan ng lunas.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.