Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang Super Typhoon Sinlaku (2604) na nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngunit taglay ang napakalakas na hangin.
Huling namataan ang bagyo sa layong 2,430 kilometro silangan ng Visayas, na may lakas ng hangin na umaabot sa 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 265 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras, at bagama’t wala pa itong direktang epekto sa bansa, patuloy itong binabantayan dahil sa tindi ng lakas nito.
Samantala, nakakaapekto pa rin ang ridge ng High Pressure Area (HPA) sa hilagang Luzon na nagdudulot ng mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Pinapayuhan naman ang publiko na manatiling alerto at patuloy na mag-monitor ng mga abiso mula sa PAGASA upang maging handa sa anumang posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.














