Iginiit ng House prosecution na hindi sapat ang testimonya ng testigo ng depensa ni Vice President Sara Duterte upang pabulaanan ang findings ng forensic accounting expert na si Alexander Cabrera tungkol sa umano’y P817.87 milyong unexplained wealth.
Ayon kay Deputy Speaker Francisco Paolo Ortega V, eksperto sa forensic accounting si Cabrera at gumamit ito ng mga espesyalisadong pamamaraan at pagsusuri sa pagbuo ng kanyang findings.
Kinuwestiyon din ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang batayan ni Suzette Balucanag-Punay sa pagtutol sa pagsusuri ni Cabrera.
Sa impeachment trial, sinabi ni Punay na ang estimate na may 20-percent interest si Duterte sa GenCorp, ngunit kinumpirma niyang nakatanggap ang bise presidente ng P2.14 milyon mula sa kumpanya mula 2022 hanggang 2025 bilang balik-kapital umano sa investment nito sa isang Jollibee branch sa Davao City.
Gayunman, inamin niyang hindi niya matukoy ang orihinal na halaga ng investment ni Duterte at wala rin siyang maipakitang nakasulat na dokumentong magpapaliwanag sa naturang transaksiyon.
Nauna nang iniugnay ni Cabrera kay Duterte ang P212.63 milyong umano’y hindi naideklarang kita mula sa GenCorp, na bahagi ng kabuuang P817.87 milyong sinasabing undeclared assets at unexplained wealth.
Patuloy na pinagtatalunan ng depensa ang naturang findings sa paglilitis sa natitirang Article II na impeachment charge laban kay Duterte.














