Hindi na makakapaglaro sa natitirang bahagi ng PBA Commissioner’s Cup si TNT Tropang Giga import Bol Bol matapos magtamo ng partial Achilles tear.
Ayon sa ulat, natamo ng import ang injury sa Game 2 ng semifinals ng TNT kontra Meralco Bolts.
Kinumpirma ni TNT team manager Jojo Lastimosa ang tuluyang pag-alis ng kanilang import sa laro.
Kasalukuyang sumasailalim si Bol Bol sa magnetic resonance imaging (MRI) upang masuri ang lawak ng kanyang pinsala.
Advertisement
Dagdag pa ng koponan, naghahanap na sila ng ipapalit na bagong import para sa natitirang laban sa Commissioner’s Cup.
Advertisement














