NAGA CITY- Dead-on-arrival ang driver ng isang tricycle habang sugatan naman ang apat pang indibdiwal matapos na bumangga sa isang truck sa Barangay Tuaca, Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang namatay na si Rod Buenaflor, 30-anyos, residente ng Purok 1, Barangay Orangehill, Jose, Panganiban, Camarines Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki PCpt. Matosalem Romero Jr, Deputy Chief of Police kan Basud Municipal Police Station, sinabi nito na nang makarating sa pakurbadang bahagi ng daan ang pinagmamanehong sasakyan ni Buenaflor ng aksidente nitong ma-overshoot ang linya sa kabilang bahagi ng kalsada dahilan upang bumangga ito sa kasalubong na truck na pinagmamaneho naman ni Ricky Dacuba, 40-anyos, residente ng San Lucas, Lipa City, Batangas.

Dagdag pa ni Romero, sinubukan naman umano ng driver ng truck na iwasan ang tricycle pero nahagip pa rin nito ang nasabing sasakyan. Dahil dito, nagtamo ng seryosong sugat ang driver ng tricycle habang nagtamo naman ng minor injuries ang mga pasahero nito na kaagad naman isinugod sa ospital para sa asistensya medikal.

Sa kasamaang palad, ideniklarang dead-on-arrival ng mga doktor si Buenaflor.

Sa ngayon, tumanggi ng magsampa ng kaso ang mga kapamilya ng namatay at handa naman umano ang mga itong makipag-areglo.