NAGA CITY – Nawasak ang isang delivery truck na makatama sa puno ng Acacia matapos na iwasan ang kasalubong nitong isa pang truck sa Pamplona, Camarines Sur.

Napag-alaman na bandang alas-3 ng madaling araw kanina, Hunyo 6, 2024 ng mangyari ang nasabing aksidente.

Ayon sa driver ng truck, iniwasan umano nito ang kasalubong na truck na biglang kumabig patungo sa kaniyang direksyon dahilan upang makatama ito sa puno ng Acacia na nasa gilid ng kalsada na nagresulta naman sa pagkawasak nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing pangyayari.