Matinding banat ang binitiwan ni US President Donald Trump laban kay Pope Leo matapos punahin ng pinuno ng Simbahang Katolika ang mga polisiya ng Estados Unidos sa foreign affairs at immigration.
Sa kanyang post sa Truth Social noong Linggo, tinawag ni Trump si Pope Leo na “weak on Crime” at “terrible for Foreign Policy.”
“Pope Leo is WEAK on Crime and terrible for Foreign Policy,” ani Trump sa isang mahabang pahayag.
Si Pope Leo, na kilala sa maingat ngunit matitinding pahayag, ay naging kritikal sa umiinit na hidwaan sa pagitan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran mula noong Pebrero 28.
Ayon sa Papa, ang banta umano ni Trump na wasakin ang sibilisasyong Iranian ay “unacceptable,” at nanawagan din ito ng mas malalim na pagninilay sa pagtrato sa mga migrante sa Estados Unidos.
Dagdag pa ni Trump, “Leo should get his act together as Pope,” at sinabi rin sa mga mamamahayag na hindi siya “big fan” ng lider ng Simbahang Katolika.
Patuloy na tumitindi ang tensyon sa pagitan ng mga opisyal na pahayag ng White House at ng Vatican kaugnay ng isyu ng digmaan sa Gitnang Silangan at mga patakaran sa imigrasyon.














