NAGA CITY- Nagsimula nang maranasan ang pagbuhos ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Tokyo, Japan dala ng bagyong Kristine na may International name na Haishen.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay Charlie Pagaran kasalukuyang nagtatrabaho sa Japan, bagamat may dalang panganib ngunit tila sanay na aniya ang mga tao sa ganitong sakuna.

Ayon kay Pagaran, may kaalaman na ang mga tao pagdating sa contingency plans ng pamahalaan hindi lamang sa baguo ngunit maging sa iba pang kalamidad gaya ng lindol.

Sa kabila nito, pinag-iingat pa rin ng mga otoridad ang mga residente sa naturang bansa.

Samantala, inaasahang tatahakin ng naturang sama ng panahon ang direksyon patungong Rykyu Islands sa Japan at sa Korean Peninsula kung saan mayroon itong lakas na 185 kph at may pagbugsong aabot ng 230 kph.