Dismayado si US President Donald Trump sa pinakahuling panukala ng Iran para sa peace talks na pinangunahan ng Pakistan, kasabay ng babala na maaaring gumamit ng mas matinding pwersa kung mabibigo ang negosasyon.
Sa panayam sa White House, sinabi ni Trump na hindi katanggap-tanggap ang mga hinihingi ng Tehran at hindi siya nasisiyahan sa kasalukuyang alok nito. “At this moment I’m not satisfied with what they’re offering,” ani Trump.
Ayon sa ulat, hiniling ng Iran na ipagpaliban muna ang anumang diskusyon tungkol sa kanilang nuclear program hanggang sa matapos ang kasalukuyang alitan. Bilang kapalit, iminungkahi rin ng Tehran ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz at ang pag-alis ng economic sanctions ng United States.
Dahil dito, nagbabala si Trump na may opsyon ang Estados Unidos na gumamit ng mas matinding aksyon kung mabibigo ang negosasyon. “Do we want to go… and just blast them away, or do we want to try and make a deal? Those are the options,” pahayag niya.
Sinabi rin ng dating Pangulo na may “tremendous discord” umano sa loob ng liderato ng Iran na lalong nagpapahirap sa pag-abot ng kasunduan.
Sa kabila ng tensyon, nananatiling bukas ang Washington sa diplomatikong solusyon, ngunit binigyang-diin ni Trump na handa ang Estados Unidos na kumilos sa anumang kinakailangang paraan kung mapuputol ang usapang pangkapayapaan.














