Inaabangan ng boxing fans ang bakbakan sa pagitan ni undisputed heavyweight champion Oleksandr Usyk at Dutch kickboxing legend Rico Verhoeven na gaganapin bukas, Mayo 23, 2026, sa Pyramids of Giza sa Egypt.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na idaraos ang isang major boxing championship sa isang UNESCO World Heritage site.

Paglalabanan ng dalawa ang WBC Heavyweight Title sa ilalim ng boxing rules, at magbibigay rin ang mga organizer ng “King of the Nile belt” bilang simbolo ng makasaysayang laban.

Sa kasalukuyan, may malinis na rekord na 24-0 si Usyk, kung saan 15 sa kanyang panalo ay sa pamamagitan ng knockout. Kabilang sa mga tinalo niya sa professional boxing sina Tyson Fury (2x), Anthony Joshua (2x), at Daniel Dubois.

Advertisement

Samantala, may 49-8 record si Verhoeven sa kickboxing at nakapagwagi na rin ng isang laban sa kanyang pagpasok sa boxing.

Sa mga betting odds, itinuturing na paborito si Usyk laban sa Dutch kickboxing champion.

Advertisement