Naibenta sa halagang $17.9 milyon o mahigit P95 milyon ang 19th-century painting na “Yashoda and Krishna” ni iconic Indian artist Raja Ravi Varma, na itinuturing ngayon bilang pinakamahal na Indian artwork na naibenta sa Saffronart auction sa Delhi.

Nahigitan ng “Yashoda and Krishna” ang rekord ng painting na Untitled (Gram Yatra) ni MF Husain na naibenta sa halagang $13.8 milyon noong nakaraang taon.

Ipinanganak si Raja Ravi Varma noong 1848 sa Kerala at kinikilala bilang isa sa pinaka-influential na Indian artist sa kasaysayan. Ang kanyang mga obra ay kilala sa kakaibang pagsasanib ng Indian mythology at European painting techniques.

Ang nasabing painting ay nabili ni Cyrus Poonawalla, managing director at founder ng Serum Institute of India, na isa sa pinakamalaking vaccine producers sa buong mundo. Ang pagbebenta ng painting ay nagpapakita ng patuloy na lumalaking halaga ng Indian art sa pandaigdigang merkado.

Advertisement
Advertisement