NAGA CITY- Sugatan ang isang babae matapos na pagtatagain ng dalawa nitong kainuman sa Brgy. Ligpit Bantaya Guinayangan Quezon.

Kinilala ang biktima na si Bernabe Olarte 38-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office QPPO, sinasabing habang nagiinuman ang biktima at ang dalawang suspek na sina Arturo Turo at Bernardo Olarte ng magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at mainit na sagutan ang mga ito.

Kaugnay nito, pinagtataga ng mga suspek ang biktima na nagtamo ng tama sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Dahil dito, agad namang isinugod sa ospital ang biktima para sa karampatang asistensya medikal.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente habang pinaghahanap ang dalawang suspek na sinasabing tumakas matapos ang insidente.