NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad habang sugatan naman ang dalawa pa patapos araruhin ng isang kotse sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Felipe Pedimonte ng Barangay San Jose, sinabi nitong pauwi na sana ang mga biktima ngunit nang tatawid na ang mga ito sa pedestrian lane ng biglang inararo ng kotse na minamaneho ni Ramil Cantura.

Ayon kay Pedimonte, nawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan si Cantura kung kaya nagtuloy-tuloy ito hanggang sa nabangga ang mga estudyante.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa ulo ang 6-anyos na naging dahilan ng agarang kamatayan nito habang sugatan naman dalawang iba pa.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.